Abt Ur Luv

Thursday, May 10, 2007

Shaina and Rayver bid goodbye to "Abt Ur Luv"

by Dinno Erece

Link to original article

This Saturday, May 12, magpapaalam na ang mga characters nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz sa teen show ng ABS-CBN na Star Magic Presents: Abt Ur Luv. Hanging ang magiging ending ng kanilang love story as Gens and Neri dahil pupuntang Italy si Gens (Rayver) para samahang magpagamot ang kanyang amang bulag. Si Neri (Shaina) naman ay sa Baguio na magpapatuloy ng kanyang pagaaral sa piling din ng kanyang ama.

The exit of Shaina and Rayver also marks the end of the second season of the continuing story of the youth-oriented show, that also stars Aaron Agassi, Aldred Gatchalian, AJ Perez, Angelo Patrimonio, Carla Humphries, Cris Gutierrez, Denise Laurel, Dino Imperial, Empress Schuck, Enchong Dee, Lauren Young, Mikee Lee, Valeen Montenegro, Victor Basa, Isabel Blaesi, and Zia Marquez.

Bale ang love triangle na nina Denise, Victor, at Carla ang magdadala ng kuwento.

Sa pag-alis nina Shaina and Rayver, isang bagong loveteam ang ipapasok—sina John Wayne Sace at Erich Gonzales. Ipapasok na rin ang ilan sa mga members ng pinakabagong batch ng Star Magic, ang Batch 15.

Mauuna ang press con ng third season ng Abt Ur Luv, kung saan mai-introduce ang mga yet unnamed Star Magic Batch 15 stars bago ang pinaka-press con mismo ng buong Batch 15.

Labels:

Thursday, May 03, 2007

Flores de Mayo

Abante Tonite
Alfie Lorenzo

Link to original article

USUNG-USO na ang Flores De Mayo, kaya pati sa Abt. Ur Luv, `yan ang gimik nila sa Sabado.

Makikita nga natin ang mga bidang bagets dito na kuntodo porma, kesehodang mainit. Pero sige na nga, sino kaya kina Carla Humphries, Denise Laurel, Empress Schuck, Lauren Young, Shaina Magdayao, Valeen Montenegro, Zia Marquez, Isabel Blaise ang tatanghaling reyna sa Flores De Mayo?

At sino kaya kina Aaron Agassi, Aldred Gatchalian, AJ Perez, Angelo Patrimonio, Chris Gutierrez, Dino Imperial, Enchong Dee, Mikee Lee, Rayver Cruz, Victor Basa ang pinakaguwapo sa parada?

Anyway, sasama rin sa Flores De Mayo na ito ang iba pang artista ng ABS-CBN tulad nina Pokwang, Joseph Bitangcol, Brenda Fox, Baron Geisler, Rodjun Cruz, Aiza Marquez, Malaya Lewandowski, Gemma Fitzgerald, Michelle Madrigal, Jill Yulo at ang Papa Piolo Pascual ko.

Huwag na kayong kumontra, ha!