Abt Ur Luv

Monday, October 23, 2006

New Youth Oriented Show

Link to original article

Philippine Star
by Reggee Bonoan

Tatlong linggo na lang palang eere ang Star Magic Presents at papalitan na ito ng youth oriented show na ang mga bida ay ang Star Circle Batch 13, Pinoy Big Brother Teen Edition at ang loveteam nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao.

Sa November 18 pa ang airing at first taping day sa November 4 under direk Erik Salud na siya ring director ng Crazy For You na kasalukuyang umeere ngayon.

Mala G-Mik ang concept ng bagong show na magiging ka-back-to-back ng Let’s Go na isa ring youth oriented show na likha naman ni Bobot Mortiz.

And speaking of Rayver and Shaina ay nag-first shooting day na sila ng launching movie nilang Happy Hearts under the helm of Joel Lamangan for Regal Entertainment na kung hindi kami nagkakamali ay pang Valentine’s Day offering ni Mother Lily Monteverde.