Abt Ur Luv

Monday, December 25, 2006

Bagets Galore sa Abt Ur Luv

From Hi Magazine
January 2007 Issue


Scans courtesy of dhelcee. Thank you so much!



Marami-rami na rin ang kilala na sa 19 bagets na ni-launch ng ABS-CBN para sa Star Magic Presents: Abt Ur Luv. Pero, meron din sa kanila -- komento nga ng isang beteranang reporter -- na ang pinaka-wise advice na maibibigay ay, "Please, iho/iha, concentrate on your studies na lang."

Kaya lang, iba talaga ang kaway ng limelight. Na pati ang dati-rati ay inaakalang di magsu-showbiz -- katulad ng only son ng basketball player na si Alvin Patrimonio na si Angelo Patrimonio, ay enjoy na sa harap ng camera. Lalo pa't nakatikim na ng kanyang first paycheck na P10,000 mula sa ABS-CBN ang 17-year old na si Angelo.

Kung popularidad naman ang pag-uusapan, ungos talaga si Shaina Magdayao, 17, dahil nag-start siyang child star, bukod sa kasalukuyang nagkalat ang kanyang mukha sa buong kapuluan dahil sa kanyang mga product endorsement billboards.

Sikat na rin sa mga fans ang ka-loveteam ni Shaina na si Ravyer Cruz, ang minomoldeng next in line leading man material ng Dos.

Although one week lang ang itinagal sa PBB Teen Edition, saksi ang Hi! kung paano pagkaguluhan si Aldred Gatchalian, 16, nang mag-guest siya sa concert ni Sam Milby sa Iloilo City a few months ago.

MAY "ACTING"

Hindi man ear-friendly ang name ni Carla Humphries, 18, naniniwala ang Star Magic na maganda ang future ng dalaga sa showbiz, dahil may "acting" naman ito na napatunayan niya sa Bituing Walang Ningning.

Napanood namin lately ang 14-year-old na si Empress Schuck sa Maalaala Mo Kaya at nakaka-impress ang galing nya sa pag-arte bukod sa gandang-artista talaga siya.

Hindi lang dahil brother siya ni Carlos Agassi kaya madaling tandaan si Aaron Agassi, 17, kundi dahil natural ang husay niyang kumanta, base sa review ng mga kritiko sa kanyang album sa Star Records.

Si Victor Basa, at 21, ang pinaka-kuya ng mga bagets sa Star Magic Presents: Abt Ur Luv, kilala sa mundo ng product endorsements at fashion, nagka-catch-up si Victor para makilala rin ng fans bilang artista.

"Nagyoyoyo" si Denise Laurel, 19, ng kanyang career sa kunsaan saan. Una siyang ni-launch -- noon pa -- ng ABS-CBN Talent Center, 'tapos lumipat siya sa GMA-7 kung saan siya napanood sa Mulawin at Encantadia. Nagkarun din siya ng well-hyped theatrical stint sa Singapore (ba yun?) Ngayon, eto siyang muli sa Dos. Saan kaya siya next?

PANG-INDIE FILMS

Not exactly a leading man material ang first runner-up ni Kim Chiu sa PBB Teen Edition na si Mikee Lee, 16, pero dahil sa hilig nya talaga ang umarte, posibleng makilala siyang indie films actor sa mga susunod na panahon.

Katulad ng iba nilang kasamahan, hataw rin sa mga commercials sina Dino Imperial, 18, ang PBB Teen Edition cutie na si Joaqui Mendoza, 18, ang 13-year old na si AJ Perez, at si Valeen Montenegro, 16. At siyempre, malaki ang paniniwala ng Star Magic na hahataw rin ang showbiz career ng apat.

Kuwento ng swimmer na si Enchong Dee, 18, nung mag-taping siya sa isang GMA-7 show, ni isa ay walang kumausap sa kanya. Nang sa ABS-CBN naman siya mag-guest, "the people are friendlier. Rayver [Cruz] approached me, kinausap agad ako." Kaya nung kunin siya ng Dos para makasama sa Star Magic, di na raw siya nagdalawang-isip.

Thirteen years old pa lang si Lauren Young, pero marami ang nagsasabi na posible siyang maging "future Bea Alonzo."

KONEK

Mga may "konek" sa showbiz sina Zia Marquez, 14 (anak nina Joey Marquez at Brenda del Rio), at Chris Gutierrez, 14, (apo ni Gloria Romero). Antayin natin kung pangmatagalang advantage ang pagkakarun ng showbiz kamag-anaks!

At ang pang-19 sa mga bagets, but not the least, ika nga, ang malusog na produkto ng PBB Teen Edition, si Mikki Arceo, 18, na hinahasang mabuti ang pagiging komedyanteng kontrabida! Stalker ni Victor Basa ang role niya sa Abt Ur Luv.

Abt Ur Luv is "a romantic journey ng mga bagets, pero di naman talaga nasi-zero-in sa romance lang. Kasama rin ang love for family, love for friends. Talagang buhay ng teenagers," paliwanag ni Ms. Eleanor Rodriguez, executive producer.

Tag: Magazine, Press

2 Comments:

Post a Comment

<< Home