Abt Ur Luv

Monday, November 06, 2006

Valeen and Empress in New Show

Link to original article

From Journal Online

Dalawa sa female young stars na kasama sa cast ng bagong youth-oriented TV show ng ABS-CBN na magpa-pilot sa November 25 ay sina Valeen Montenegro, 16 years old apo ng actor na si Mario Montenegro, at ang 14-year-old na si Empress Schuck.

Dream role ni Valeen ang pag-agawan ng guys at matutupad ito sa show dahil tatlo ang suitors niya: Sina Aaron Agassi, Aldred Gatchalian at Mikee Lee.

In real life, sina Victor Basa (the body daw), Enchong Dee (the newcomer) at si Mikee (the smart one) ang type niya.

Graduating sa high school sa Sacred Heart School sa Parañaque si Valeen at gustong mag-enroll ng Fashion Designing sa college. Kung may regret ito’y ang ’di naabutan ang kanyang lolo.

She was born in 1990 at namatay ang lolo niya noong 1989.

Big for her age si Empress, na ila-love team kay Dino Imperial, pero ang crush ay sina Angelo Patrimonio at si Enchong. Puwede siyang sumali sa beauty contest with her looks and height, pero mas type ang showbiz at mas gustong sundan sina Gina Alajar at Albert Martinez.

Muli pala siyang hinihiram ng GMA-7 para isama sa Atlantika, pero nasa Super Inggo na siya nang dumating ang offer ng Siyete.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home