Abt Ur Luv

Sunday, November 05, 2006

Cast of 19 in New Youth Drama

Labingsiyam na artists ng ABS-CBN 2 ang isinabak sa maghapong pictorial sa isang studio sa network na magiging bahagi ng bagong youth oriented show nila. Wala pang exact title ang show ng ito pero patterned ito sa mga dating shows ng Dos like Gimik, Tabing-Ilog, Ang TV at kung anu-ano pa.

About Your Love or something ang sinabi sa amin ni Rikka (PR ng Star Magic) na title ng show na ang maituturing na mga bida ay sina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, na ididirek ni Eric Salud.

Labas-masok ang mga artistang kasali sa show sa studio kung saan ginawa ang pictorial. Alas-siyete pa lang ng umaga ay nandoon na silang lahat, kaya naman halatang ngarag na ‘yung iba sa pagod.

Eh, hindi na namin nahintay umupo sa mesa namin sina Shaina at Rayver, kaya naman kung sino na lang ang iharap sa amin, iniinterbyu na namin - for lack of better things to do, ‘ika nga, huh!

Si Enchong Dee ang unang sumabak sa table namin. 17 years old siya at brother niya si AJ Dee.

Ayon kay Rikka, atubili si Enchong na Ernest Lorenzo ang tunay na name, sa pagpasok sa showbiz. Nu’ng pictorial lang na ‘yon siya sumagot.

"Kasi po, swimming talaga ang hilig ko. Part po ako ng Olympic team na lalaban sa Doha Asian Games," say ni Enchong.

Sa edad nga niya, may porma na ang kanyang katawan. Eh, six years old pa lang kasi ay lumalangoy na siya.

Anyway, ang tanging advice ng kapatid niya sa kanya ay tapusin ang college niya. Right now, kumukuha ng Development Studies si Enchong sa La Salle.

Gusto rin niya sa politics pero ang maging ambassador ang gusto niyang maging trabaho at hindi politician.

"Mahilig kasi akong makipag-interact sa mga tao, eh. Pero ‘yung kumuha ng law, baka hindi ko po kayanin!" sabi pa niya.

Nakalabas na sa Homeboy, Game Ka Na Ba? At Bench Fever si Enchong at bukod sa swimming, hilig din niya ang pagsasayaw.

Teka, dahil swimmer siya, puwede siyang magpaseksi o di kaya lumabas ng naka-trunks sa mga shows, huh!

"Hindi po problema sa akin ‘yon. Confident naman ako sa katawan ko, kaya magsuot man ako ng undies, hindi ako dapat mahiya!" sambit ni Enchong.

***

From a Dee, isang Lee naman ang kinausap namin, si Mikee. Sixteen years old siya at produkto ng PBB Teen Edition. Ilan sa shows na nalabasan na niya ay ang ASAP, The Buzz, Homeboy, Wazz Up Wazz Up, Love Spell, Breakfast Blog at iba pa.

Third year high school sa Ateneo si Mikee at ang pag-arte talaga ang gustung-gusto niya.

"I am part of my school’s theater group at debate team. But I still have to improve on my acting and hosting," sabi ni Mikee.

Malaking tulong ang exposure na ibinigay sa kanya sa PBB Teen Edition, kaya naman naging daan ‘yon kay Mikee upang makilala at magkaroon ng chance na ipakita ang talento niya bilang artista.

Sa mga girls, ang attractive sa kanya sina Empress Shuck, Valeen Montenegro at Denise Laurel.

Paborito niyang aktor si John Lloyd Cruz. Kaya ba niyang lampasan ang husay nito sa pag-arte?

"In the future maybe and it’s gonna be a big challenge on my part!" pahayag ni Mikee.

***

Atenean din ang Pinoy Big Brother Teen Edition product na si Joaqui Mendoza. Eighteen years old na siya at kumukuha ng kursong AB Communication.

Sa unang tingin, maporma at mukhang siga itong si Joaqui. Hindi ba nayayabangan ‘yung mga kasamahan niya sa kanya?

"Hindi po ako maporma at mayabang. Akala nila lang po ‘yon," sabi ni Joaqui.

Palibhasa black-belter sa tae-kwon-do, kaya ganoon ang impresyong papasok sa utak ng taong makakakita kay Joaqui.

Ayon pa kay Joaqui, hindi naman niya hinahangad maging big star. "But I am giving my best sa lahat ng trabaho ko!" pahayag niya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home