Abt Ur Luv

Saturday, November 04, 2006

New show to pilot on Nov 25

From People's Tonight
by Nitz Morales

Tampok ang loveteam nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz sa bagong youth-oriented show ng ABS-CBN na magpa-pilot sa November 25. Ayaw pang ipaalam ang title ng show na papalit sa Star Magic Presents at ididirek ni Eric Salud, kung saan makakasama ng dalawa ang 17 young stars na bini-build-up ng Channel 2 at Star Magic.

Ang ganda-ganda ni Shaina sa pictorial at kahit naroon si Rayver, ’di nakapagpigil ang ibang young actor kahit ’yung may ka-loveteam na magka-crush sa kanya. Isa rito ang newcomer na si Enchong Dee, na nag-blush pa nang amining crush niya si Shaina.

Kampante naman si Rayver na ’di masisira ang tambalan nila ni Shaina kahit alam na marami ang nagkakagusto rito. Alam niyang priority ng dalagita ang career at ang loveteam nila, lalo ngayon, na sunud-sunod ang kanilang project. Magkasama rin sila sa pelikulang Pusong Pilipit ng Regal.

Masaya palang ibinalita ni Shaina na pinayagan na siya ng Ate Vina Morales niya na tumanggap ng suitors at magpadalaw sa bahay, pero bawal pa siyang mag-boyfriend.

Ito’y kahit 17 years old na siya sa birthday niya sa November 6. Ang birthday wish nito’y magpatuloy ang dating ng blessings at makatapos ng high school (graduating na siya) sa Angelicum.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home