Abt Ur Luv

Wednesday, November 22, 2006

More on 'Abt Ur Luv' Cast

People's Tonight
November 20, 2006

Link to original article
By Mercy Lejarde

Sa 19 bagets na iprinisinta sa launching ng Star Magic Presents Abt Ur Luv, tanging sina Shaina Magdayao at Rayver Cruz ang tipong nakauungos kung popularidad rin lang ang pag-uusapan.

Made na kasi ang dalawa as loveteam. Pero in real life, hindi pa. Sabi nga ni Shaina, hindi naman siya nililigawan ni Rayver.

Ano’ng say mo, Rayver? Hindi mo ba type si Shaina? Hindi ba siya girlfriend material?

“Hindi ko pa siya nililigawan, pero malapit na. Nararamdaman ko ... malapit na,” nangingiting sabi ng aktor.

* * *

Si Carla Humphries naman, isa rin sa cast ng Abt Ur Luv, ay mukhang mabilis na naka-recover sa break-up nila ni Janus del Prado.

Mukhang may ningning na uli ang kanyang mga mata after ng soap nilang Bituing Walang Ningning, kahit open si Janus sa pagsasabing may bago na siyang girlfriend na ipinakilala pa sa amin nu’ng magkita-kita kami sa may ABS-CBN Starbucks kamakailan lamang.

“Masaya ako para sa kanya kung may bago na siyang minamahal. At saka, friends pa rin kami at sinusuportahan namin ang isa’t-isa. Eh, kung may iba na siyang mahal, ganu’n talaga ang buhay, hahaha!

“Saka bata pa naman ako. Ini-enjoy ko ang buhay. Ang dami pa namang lalaki,” ang very sport na reaction ni Carla sa pag-iintriga namin.

* * *

In person, kahawig pala ni Anne Curtis itong si Denise Laurel, nali-link romantically kay Sam Milby. Medyo hindi nga lang kataasan ang height nito.

“Oo nga, eh. Everybody says that. And you know, I’m honored kasi she’s gorgeous. ’Yon nga lang, pandak ako! I’m so pandak and that’s my frustration, pero okay lang,” pag-amin ng Denise.

Sabi pa nito, walang dapat ikatakot ang fans nina Sam at Anne or nina Toni at Sam dahil ang tinginan lang daw nila ni Sam ay brother and sister lang, no more, no less.

Si Zia Marquez naman, anak ni Joey Marquez kay Brenda del Rio, ay playing safe nang tanungin namin kung sino ang mas gusto niya para sa kuya niyang si Jeremy: Si Alessandra de Rossi o si Toni?

Wala siyang pinili. Bahala na lang daw si Jeremy kung sino ang gugustuhin.

“I’ll support my brother. I’m always here for him naman po,” sey pa ni Zia, na mukhang younger version ng tita niyang si Melanie.

Sa 19 bagets ng Star Magic Presents Abt Ur Luv, mukhang promising itong si Zia, tulad din nina Juaquai Mendoza, AJ Perez, Denise, Mikee Lee at Empress Schuck.

Tag: Press, Abt Ur Luv

0 Comments:

Post a Comment

<< Home