Abt Ur Luv

Wednesday, November 22, 2006

Rumor: One cast member leaving

People's Taliba
November 22, 2006

Link to original article
by Ambet Nabus

MAINIT-INIT pa naming ninanamnam ang nakarating sa aming tsismis na meron daw isang miyembro ng bagong bubuksang Abt Ur Luv TV show ng ABS-CBN na baka biglang matanggal sa mag-uumpisa pa lang na show.

Ano ang rason? Natsi-tsismis na on the family way ang isang bagets na miyembro.

Nakaloloka ito kung sakali mang totoo, pero nakaiinis naman kung gi-mik lang para pag-usapan.

In fairness naman, kahit na 19 lahat ang mga ba-gets (the youngest is 13 and the oldest is 21) na kasali sa bagong show na ito, pro-mising silang lahat. Nakita namin ang rehearsals ng isang dance number nila plus nakausap ang ilan sa kanila, and most of them have talents.

Mga mukhang artista pa talaga. Halos 15 years old nga ang average na edad ng mga ito kaya’t nakalolokang may sitsit na ‘nabuntis’ ang isa sa mga babae rito.

Ilan sa mga naka-impress sa amin ay sina Aaron Agassi (maganda ang boses), AJ Perez, Aldred Gatchalian, Carla Humphries, Denise Laurel at Victor Basa. Aliw din kami kay Rayver Cruz na magaling din palang kumanta bukod sa pagsayaw. At sa ganda ni Shaina Magdayao, hindi kami nagtataka na siya ang crsuh ng halos lahat ng mga lalaki sa nasabing show.

Umpisa pa lang ay ma-ingay na ang nasabing Abt Ur Luv. Shall we expect more in the coming days? We will see....

Tag: Press

0 Comments:

Post a Comment

<< Home