Abt Ur Luv

Friday, November 17, 2006

Angelo Patrimonio in Abt Ur Luv

From People's Tonight
by Ogie Diaz

Isa si Angelo Patrimonio sa 19 bagets na kasama sa Star Magic Presents: Abt Ur Luv.

Sayang at hindi namin naitanong sa kanya kung sa dami nila ay mapapansin pa siya.

Pero sa survey ng mga baklitang reporter, tatlo sila nina Enchong Dee at AJ Perez ang may pinakamalakas ang dating. Sa edad na 17, 6' na ang height ng basketball player na si Angelo.

"Dapat sana 'yung sister ko ang mag-aartista, hindi ako. Eh, hindi puwede, saka nakita ako ni Mr. M, so pinag-report niya ako.

"I've talked naman to my dad and okay lang sa kanya kung pagsabayin ko ang acting at ang basketball aside from my studies, basta lang daw kaya ko.

"Anyway, tuwing Saturday lang naman ang taping nito, kaya hindi naman makaaabala sa school ko."

In fairness, ingat na ingat na si Angelo sa pagsasalita, dahil na-misinterpret siya noon nu'ng sabihing sabi ng daddy niya, hindi nito naging girlfriend si Kris Aquino.

Pero nu'ng itanong kay Angelo, pa'no kung alukin siyang maglaro sa Game Ka Na Ba?, na ang dating nali-link sa daddy niya ang host, okay lang sa kanya?

"Okay lang po. Wala pong problema," sagot niya.

Samantala, may sakit pala ngayon ang mommy niyang si Cindy Conwi.

"May thyroid problem siya, kaya mataba ngayon."

Eh, si Kris, tumataba, kasi, buntis.

Naku, ano'ng konek?! Hahaha!

Ewan ko po. Ask natin si Alvin. Etching!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home